The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
June 9, 2019

BIYAHENG LANGIT SA SEARS TOWER

Sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino, minsan pa’y samahan niyo kaming bisitahin sila, ito po si Pareng Rey at ang Kasangga ninyong si JR Langit. Tampok natin ngayon ay ang Sears Tower ng Chicago.

Isa sa nangungunang landmark ng Chicago nang mabisita natin ito in the early 80’s ay ang Sears Tower. May taas na 110-story, 1,450-foot ang skyscraper sa Chicago, Illinois.

Hinigitan pa nang Sears Tower noon ang pamosong World Trade Center ng New York. Tulad nang Sears Tower maka ilang beses na rin nating nabisita ang World Trade Center, bago pa naganap ang malagim na terrorist attack noong September 11, 2001 at makalipas ang malagim na pag-collapse nito ay aming na-feature ang heroism ng mga taong nag buwis nang kanilang buhay sa World Trade Center, napanood sa ating TV program na Biyaheng Langit sa pakikipag tulungan ng Globe Telecom.

MILLION TOURISTS

Balikan natin ang Sears Tower na ngayon ay tinatawag na Willis Tower. Ito ang kasalukuyang second-tallest building sa United States at sa Western hemisphere – at ang 16th tallest in the world.

Milyun-milyon taun-taon ang bumibisita sa Willis Tower, upang akyatin ang kanyang observation deck. Kaya ito ay isa sa mga kilalang “Chicago’s most-popular tourist destinations”. Isa na si Ric delos Reyes na isang Filipino nurse na madalas bumisita dito sa down town Chicago.

Kinapanayam natin si Ric delos Reyes para sa ating programang pang telebisyon – Biyaheng Langit na napapanood tuwing Biyernes ng gabi ng alas diyes y media (10:30pm) sa PTV4.

Sa tagal na niya sa Chicago marami nang mga challenges na umabot sa kanyang buhay.

Ric: Dito basta masipag ka lang madaling kumita ng pera. Basta wala kang bisyo, siguradong makaiipon ka.

Rey Langit: Di ba dati ang linya mo ay telecommunications. Mataas na ang puwesto mo at malaki na kita mo?

Ric: Oo nga, pero nag sara dito sa Chicago ang Motorola. Nag bigay naman ng separation pay.

Rey Langit: May pamilya ka na, may mga anak, paano mo hinarap ang challenge na yon?

Ric: Mahirap, pero hindi ka dapat mag mukmok. Sa tulong ni Mrs. agad ay nag enrol ako nang nursing dahil in-demand dito ang mga nurse. True enough nakatapos ako, naipasa ko ang board kaya ngayon nurse naman ang linya ko.

Kasama ko si Ric at ang kanyang may-bahay na si Cindy. 3.5 miles ang aming nilakad sa down town Chicago. Umakyat kami sa ledge ng Willis Tower habang isinasakatuparan ko ang ating interview sa kanya. Binago ang pangalan ng Sears Tower sa Willis Tower noong 2009 nang mag take over ang Willis Group sa pag okupa nang gusali. Bagamat hinigitan siya nang Petronas Twin Towers ang tinanghal na pinakamataas na gusali sa Mundo nang maitayo noong 1998-2004.

PETRONAS TWIN TOWERS AT FILIPINO ENGINEERS

Ang Petronas Twin Towers na amin na ring na-feature nang ating Kasangga -JR Langit sa aming TV program na Biyaheng Langit sa PTV4 sa pakikipag tulungan nang Globe Telecom na inyong napapanood tuwing Biyernes ng alas diyes y medya ng gabi (10:30pm) nang aming bisitahin ang Kuala Lumpur, Malaysia, at makapanayam ang ating mga Filipino Engineer na naging kasangkapan upang itaas ang gusali ng Petronas Twin Towers na hindi na kinakailangang paramihin pa ang mga palapag ng gusali at lumampas pa sa sinasabing pinaka mataas na gusali sa buong Mundo noon na Sears Tower ng Chicago, USA.

Dito kinunan ang mga Scenes ng Pelikulang “Entrapment” nina Sean Connery at Catherine Zena-Jones noong 1999.

REVISIT

Samantala muli nating balikan ngayong June 3, 2019 ang ginawa nating muling pag bisita sa Sears Tower na ngayon ay tinawag na Willis Tower na paboritong binibisita ng ating mga kababayang Filipino sa Chicago.

Nasimulang itayo ang gusali noong 1970; natapos ito taong 1973; 46 years ago. Pag aari ng Blackstone Group. May 110 na palapag at tatlong basement floors. May floor area na 416,000 m2 (4,477,800 sq ft) at mayroong 16 double-decker elevators, na mabilis na mag ahatid sa iyo sa observation deck.

Ang pinakamalaking tenant nang gusali ay ang United Airlines, na siyang umuukupa sa dalawampung (20 floors) palapag ng Willis Tower.

NOW WILLIS TOWER

Kinilala sa kanyang record height na tallest in the world mula taong 1973 hangang 1998. Hanggang sa susunod na pag lalakbay siguradong hindi tayo mauubusan ng kwentong Pinoy sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay may istoryang Pilipino. Sangalan ng ating Kasangga-JR Langit minsan pa ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pakikipaglakbay sa aming Biyaheng Langit.

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial