The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
June 16, 2019

BIYAHENG LANGIT SA CANADA

Sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino, minsan pa’y samahan ninyo kaming bisitahin sila ito po Pareng Rey at JR Langit, tampok natin ngayon ay Celine Dion ng Canada.

“Lagi lang po akong nakikinig ng tape ni Celine Dion at Mariah Carey. Na inspired nila ako, kaya wala akong ginawa kung hindi kumakanta ng mga awitin nila.”

Ang pangalan niya ay Bernice Reyes, isang Filipina at naninirhan sa Canada. Ang hilig niya sa pag-awit ang siyang umakay sa kanya upang maging first Filipino ever na maging champion ng “Ottawa Idol.”

PRACTICE MAKES PERFECT

Bernice: Sobrang disiplina po, lagi po akong nag prapractice sa umaga. But not to much na yung maii-strain yung voice ko.

JR Langit: Nape perfect mo naman?

Bernice: di pa rin ako perfect marami pa rin po akong flaws, pero sakin po is perseverance, prayers and practice.

Ang landas na tinahak ni Bernice Reyes patungo sa pagiging singing idol, alamin natin ngayon. Isa sa pinapangarap ni Bernice Reyes ngayon ang makilala siya sa buong Canada, kaya ito ang pinag sumikapan niya. Sa murang edad, kinakitaan na ng husay sa pag-awit ang batang si Bernice na noo’y naninirahan pa sa Pilipinas.

MARIAH CAREY OF CANADA ALSO

Bernice: Lagi lang po akong nakikinig ng tape ni Celine Dion at Mariah Carey tapos ayun po lagi nalang po akong kumakanta. Kanta ng kanta sa buong araw. Una daw po akong mag salita o mag hmm mag mimic ng sound kaysa sa maglakad at tumakbo.

Patuloy na nagsasanay upang mahigitan pa ang mga tagumpay na nakamtan. Mula pagkabata nakahiligan na niyang makinig sa musika at umawit. Ang angking galing na pala ang maghahatid sa kanya ng tagumpay sa bansang Canada. Ganito ang kwento ni Bernice Reyes. Hindi naman nakapagtataka sapagkat ang sariling ama niya ay mahilig ding umawit.

JR Langit: San mo naman nakuha yung pagkahilig mo sa pag kanta?

LIKE FATHER LIKE DAUGHTER

Bernice: yung immediate po si daddy po. Lagi kong naririnig siyang kumanta, then sa mom side ko po, grandmother naririnig ko po syang kumakanta tuwing umaga alas-5am kumakanta na siya… Operatic po siya kaya siguro po ngayon na influence po ako.

Marami na siyang mga sinalihang patimpalak o singing contest. Noong nasa grade school pa lamang siya, grade one, grade two na nanalo na siya sa mga pa-contest. Noong siya na lamang ang laging nananalo, nang sumapit siya sa grade three sinabihan siyang huwag na munang sumali upang mapag bigyan naman yon iba. Sinalihan na rin nya ang mga amateur contest.

SINGING IN THE PARK

Nang mag-migrate ang kanilang pamilya sa Canada, dinala niya ang hilig sa pag-awit.

Bernice: Nung first 1 to 2 year nung lumipat po kami ng apartment ang una pong ginawa po namin ni kuya is kumanta sa apartment, habang naglilinis ng apartment. Pawala ng boredom kumakanta po kami. After 10, 15 minutes kinatok po kami dun sa apartment sabi bawal daw po mag ingay kaya sobra pong nahirapan po kami ni kuya na mag practice sa Canada. Kaya kung mag practice po kami may takip sa bibig o sa labas na lang po, sa may park at tinawag naming Singing in the Park.

Gayunpaman, hindi nagpadaig sa pagsubok si Bernice kaya naman nang dumating ang oportunidad na makasali sa isang singing competition, hindi siya nag-atubiling sumali.

OTTAWA IDOL

Bernice: May na meet po kami na sabi uy “may Ottawa Idol daw po” ganyan, then nag try na po ako.

JR Langit: Mahirap bang makapasok dito sa Ottawa idol?

Bernice: Siguro po kasi nung time na yun mga 300 contestants po yung sa Ottawa idol, base lang po muna kasi yun sa 300 contestant, 400 contestant, then pinili na nila yung top 25.

JR Langit: Hanggang sa?

Bernice: Hanggang sa top 12, top 6, and top 3.

TULIP FESTIVAL

Samantala, on the side dinaluhan rin ng Kasangga nating si JR Langit ang dinarayong Tulip Festival sa Ottawa, Canada.

Nag report si JR mula sa Commissioners Park sa Ottawa, kung saan taon-taon dinaraos ang Tulip Festival na dinarayo ng libo-libong mga turista. Ang taunang Tulip Festival ditto sa Ottawa sa bansang Canada ay sinasabing pinakamalaking tulip festival sa buong mundo.

Dito pa lamang sa park na ito meron nang 300,000 tulips ang nakatanim, bahagi ng isang milyong tulips na inihahanda ng buong Ottawa para sa 650,000 na bisita nito taon-taon.

BERNICE JUST LIKE TULIP

Taong 1953 nang simulan ang Tulip Festival, tuwing buwan ng Mayo isinasakatuparan ito. At simula noon, nagging tanyag na ito sa buong mundo.

Ang bulaklak na tulip ay sumisimbolo sa kagandahan at pagkakaibigan. Kaya naman ito ang napiling regalo ng royal family ng Holland sa bansang Canada bilang pasasalamat sa pagkupkop kay Queen Juliana noong panahon ng World War II. At na-taon na dito rin sa Ottawa nag-migrate ang pamilya ni Bernice Reyes. Tulad ng bulaklak na Tulip, dito umusbong ang ganda at galing ng tinig ni Bernice sa pag kanta.

WORLD CHAMPIONSHIP

Matapos pagtagumpayan ni Bernice ang Ottawa Idol, napili naman siyang kumatawan sa buong bansang Canada sa World Championship of Performing Arts taong 2016.

Bernice: Narinig po ako ng director ng World Championships of Performing Arts ng Canada, at siya ang nag anyaya para ako ang kumatawan sa Canada.

JR Langit: Ano yung pakiramdam mo bilang Filipino na ikaw na ang nag represent ng buong Canada sa naturang Tournament?

Bernice: Talagang kabado, medyo nahiya po ng konti, kasi inisip ko ah what if sabihin nila ibang race naman yan hindi siya white person kung di asian Filipino person na nag re represent ng Canada, but i stick to what I believe na gusto ko lang express yung kanta ko at yung time na rin po yun I’m proud po to be a Filipino and Canadian.

SECRET OF SUCCESS

JR Langit: Papaanong handa ang ginagawa mo sa bawat tournament na sinasalihan mo?

Bernice: Sobrang disiplina po, lalo na po sa Canada kasi malamig po. Bawal po talaga malamigan yung throat, nakabalot po ako lagi ng scarf lagi po akong tulog ng maaga dahil madali po talaga ako magka sakit. Lagi po akong nag prapractice sa umaga, but not too much na yung ii-strain yung voice and then mga bawal po na pagkain sakin. Bawal po yung mga spicy food tsaka peanuts, bawal yung sweets and colds.

JR Langit: Ano masasabi mong sekreto ng iyong tagumpay?

Bernice: Perseverance, Prayers and Practice.

SUMMATION

Tunay ngang kahit anong pangarap ang nais abutin, makakamtan ito kung atin itong pagsusumikapan.

Isang magandang halimbawa si Bernice Reyes, huwag sana nating kakalimutang lahat ng ating mga mithiin ay possible lamang sa tulong ng Maykapal. Patunay si Bernice na saan mang sulok ng mundo ay naroroon ang Pilipino, angking talento, sipag, at pananampalataya sa Diyos ang nagsisilbi nating susi sa tagumpay.

Hanggang sa susunod na Istorya siguradong hindi kayo mauubusan ng kwentong Pinoy, sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino. Minsan pa ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pakikipaglakbay sa aming Biyaheng Langit.

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial