The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
September 2, 2014

Biyaheng Langit Korea

ADDRESSING THE KOREAN COMMUNITY

“ANNYEONG HASEYO!”

Ito ang pambungad na pananalita ni Mayor Joseph Ejercito Estrada sa mga Koreano na ang ibig sabihin ay “Magandang Gabi sa Inyong Lahat”.

Bahagi ng ginawang pagbisita sa Korea ng dating Pangulo at ngayon ay Alkalde ng Siyudad ng Maynila ay isang makasaysayang pagtitipon na handog ng Philippine Embassy sa Korea at Global Goldgoal Inc. (GGI) kung saan tayo rin ay naanyayahan.

Ang pagtitipon ay dinaluhan nina Ambassador Raul Hernandez, Philippine Ambassador to Korea at kanyang may bahay na si Mrs. Anna Hernandez; Ambassador Mohamed Abdullah Obaid Sharrub Al-Dehaimi of Qatar; Honorable Lee In Jae at Honorable Park Chang Sik ng National Assembly ng Republic of Korea; Congresswoman Jasmine Lee na isang Filipina na nahalal at naging matagumpay na miyembro ng kasalukuyang National Assembly ng Korea. Dinaluhan din ito nina Mr. Yoon Jong Rok, Vice Minister ng MSIP; Mr. Kim Hak Su, Presidente ng IRU; at Chairman James Lee at Mrs. Sarah Lee ng GGI.


ERAP’S  SENSE OF HUMOR

Naroroon ang kapwa nating mga Pilipino Consuls at Attaché ng Philippine Embassy sa Korea at delegasyon ng Siyudad ng Maynila na mga department heads ng siyudad at Miss Manila 2014 na si Krischelle Halili.

Hindi nawawala ang sense of humor ni Mayor Estrada ng sabihin niya sa kanyang talumpati sa mga Koreano ang kasabihan sa wikang Pilipino na:

“Iba na ang may pinagsamahan”

at ang sagot naman niya dito ay:

“Iba na ang may pinagsaluhan”

MEETING WITH THE LEADER OF THE NATIONAL ASSEMBLY

Nagkaroon ng courtesy call ang buong entourage ni Mayor Joseph Estrada sa  National Assembly ng The Republic of Korea. Ito ang katumbas ng ating House of Representatives ng Congress.

Sa pagharap ni Deputy Speaker Lee Seok Hyun ng National Assembly ng Republic of Korea ay kanilang ginunita ang The Battle of Yuldong noong 1951 kung saan umalalay ang may 7,000 sundalong Pilipino na nakipaglaban sa sumasakop sa South Korea. Isa sa mga sundalong nakipaglaban ay si former President Fidel V. Ramos at si former Senator Ninoy Aquino naman ay isa sa mga mamamahayag na nag-ulat ng mga pangyayari.


RECOGNITION TO GGI

Sa talumpati sa Korea, binigyan ng pagpapahalaga ni Mayor Erap ang kanyang mga tinanggap na tulong mula noong June 2013 mula sa mga generous benefactors para sa kanyang tinawag na Renewal Program ng City of Manila. Isa na nga rito ay ang tulong ng GGI ng Korea na 10,000 solar lamp posts na may LED at CCTV upang lumiwanag ang Siyudad ng Maynila at makatulong sa pagsugpo ng kriminalidad.  Binigyan ni Mayor Estrada ng plaque of appreciation ang GGI sa gabi ng pagtitipon.

Binahagi niya sa kanyang talumpati ang kanyang pagbisita sa LG Digital Park na sadyang nakamamangha sa kanilang pagsulong sa technology. Hangad daw niya na makatrabaho ang LG at Global Goalgoal sa ikauunlad ng Siyudad ng Maynila.

photo

ATTENDED MASS IN SEOUL
Binisita ni Mayor Estrada ang Changgyeonggung Palace. Ito ang itinuturing na isa sa pinakamakasaysayang palasyo ng Joeson Dynasty at talagang kamangha-mangha ang taglay nitong kagandahan.

Inanyayahan si Mayor Erap na magbigay ng mensahe sa ating mga kababayang OFW sa Hyehwa Dong Catholic Church. Tuwing Linggo, isang misa ang ginaganap dito sa wikang Filipino kaya naman karamihan sa mga kababayan nating naninirahan sa Seoul ay dito nagpupunta upang makinig ng misa. Hindi nagkamayaw ang ating mga kababayang OFWs sa pagdalaw na ito ni Estrada sa kanila.


COMMEMORATE THE FILIPINO SOLDIERS

Naging makahulugan ang pagbisita at pag-aalay ng bulaklak ni Mayor Estrada sa Philippine Memorial Monument.

Dito sa Seoul, South Korea, dalawang monumento ang itinayo upang magbigay pugay sa mga magigiting ng sundalong Pinoy na tumulong sa Korean War noong 1951. Ang mga monumentong ito ang nagsisilbing ala-ala ng kanilang katapangan at kabayanihan.

Sa kanyang talumpati, binanggit niyang isang malaking karangalan ang ginawa niyang pagbisita sa Memorial Monument para sa ating mga bayaning Pilipino.


LUNCHEON WITH KOREAN BANKERS 

Inanyayahan din si Mayor Erap ng grupo ng GGI sa pangunguna ni Chairman James Lee upang sa itaas ng tinawag na Building 63 ay isakatuparan ang salo-salo ng pananghalian na dinaluhan ng mga kilalang lider na Koreano sa larangan ng pagbabangko at pagnenegosyo. Kinilala ang gusaling ito sa Hanwha 63 City bilang World’s Tallest Gold-cladded Structure.


NIGHT MARKET

Inikot ni Mayor Estrada ang Siyudad ng Seoul. Binisita niya ultimo ang kanilang night market upang maihambing ito sa planong Night Market ng Siyudad ng Maynila. Ang nakatawag pansin kay Mayor ay ang malinis na paligid ng Night Market ng Seoul.

Ang Seoul, South Korea, ang binansagang Soul of Asia.


SUCCESSFUL VISIT

Naging matagumpay at makabuluhan ang sinakatuparang pagbisita ni Mayor Estrada sa Seoul, South Korea nitong nakalipas sa weekend sa paanyaya ng Global Goldgoal Inc. Pinahayag niya sa harap ng mga dignitaries na Koreano:

“Manila has a lot to learn from Seoul and from our sister city, Incheon.”


QUOTABLE QUOTE

JR LANGIT: Mayor, hypothetical question po: paano kung kayo ang pinilit na patakbuhin sa 2016?

ERAP: Pwede ko bang sagutin sa wikang English? “I will cross the bridge when I get there!”

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial