The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
August 12, 2019

BARISTA’S SIGN LANGUAGE

Kakayahang maging normal sa gitna ng kapansanan.

Finger Spelling System

Paano nga ba nag kakaunawaan gamit ang sign language kung gusto mong mag-order ng kanilang mga specialty tulad nang Espresso, ng Americano, Latte o Capuccino.

  • Kapag gumawa ka nang hugis C sa yong kamay – capuccino ang orderin mo.
  • Kapag ang kamay na hugis C ay isinara mo, ito ang katumbas ng espresso.
  • Kung gusto mong omorder ng americano, kamao ni Digong na tumaas ang gamitin mo.
  • At kapag ang ginamit mo naman ang sign ng Liberal, ibig sabihin ang order mo ay latte.

Alternative Communication

Ang episode na ito ay hango sa aming Kasangga Mo Ang Langit TV Program ni JR Langit sa PTV4 na napapanood ganap na 10:30 tuwing Biyernes ng gabi. Ang weekly public affairs at public service program na ito ay nasa kanyang 21th year na sa national television.

Makabuluhang 21 taong na paglilingkod sa bayan. Ang tunay na public service ay naihahatid ng Kasangga Mo Ang Langit at Biyaheng Langit na siyang nagbibigay nang pag-asa sa tao, na ultimate mission namin para sa inyo.

To Empower

Aida Sotto – Project Chairman ng Rotary Barista: “Ang main goal po namin is to give them employment to empower them to be able to teach them skills para yung goal is ma employ sila and mag karoon ng normal life.”

Alamin kung paano binabago ng isang grupo ang buhay ng ilang PWD at kilalanin natin ang ilan sa kanila. Sa ginawang pakikipanayam ni JR Langit kay Aida Sotto, ang Project Chairman ng Rotary Barista:

JR Langit: Kailan pa ninyo pinasimulan ito?

Ms. Aida: Nagsimula kami mga 2016 it was spearheaded by our Charter President of Rotary San Juan Central, Rosarie Villasor Resort and nag karoon kami ng TESDA accredited Rotary Barista at we wanted to make it para sa PWD.

Julyan’s Coffee Spot

Usong uso ngayon ang coffee shops, ngunit kakaibang coffee shop ang isang ito na matatagpuan sa Globe Tower. Kaakibat kasi ng pagsisilbi nila ng kape ang adbokasiya at pagmamahal sa kapwa.

Sa Julyan Coffee Spot, matatagpuan ang mga empleyado na PWD o people with disabilities at karamihan sa kanila ay bingi at autistic. Sa pagpapatuloy ng pakikipanayam ng Kasangga Team kay Rotary Deaf Barista, Project Chairman Aida Sotto.

JR Langit: At isa po yata sa naging inspirasyon po nitong Julyan Coffee ay yung anak po nung may ari, tama po ba?

Ms. Aida: Yes yung Julyan coffee Spot was created because yung may- ari na si Rachel Harrison has a son na may autism kaya gusto niyang ma-empower yung adbokasiya talaga, is to empower the PWD or Person’s with special needs kaya itong Julyan Coffee Spots was born.

Sign Perception

Ang mga PWD na empleyado ng coffee shop ay sinanay muna sa Rotary Barista na accredited ng TESDA bago isinabak sa pagtratrabaho. Ang Rotary Barista project ay ipinatupad ng Rotary Club of San Juan at Rotary club of Mandaluyong na nasa ilalim ng District 3800 kung saan Governor si Ginoong Nelson Aspe.

Ms. Aida: Yung mga deaf po namin our graduates of our Rotary Barista so sila po ang kumuha ng course na inoffer din namin and nag hanap po kami ng mga opportunities para ma employ sila kaya sa Julyan Coffee Spot ito po ay ways na maemploy sila they are our graduates of Rotary Barista .

JR Langit: So gaano naman po katagal ang pag-aaral para maging isang barista ?

Ms. Aida: Yung barista na tinuturo namin ay TESDA credited course, yung TESDA has a nominal duration of 178 hours or mga 23 days.

Kabilang sa mga PWD na ngayon ay masayang nagtratrabaho sa coffee shop ay si Parcy na mula pa sa kanyang pagkabata ay hindi na nakakarinig.

Non-verbal Communication

Parcy Llaet,deaf Barista staff. Parcy/Aida: (Parcy Interpreted by Aida) “She’s very happy to be here as a Barista and she’s super enjoys it, she likes people to hire PWD and to learn barista to be able to work.”

JR Langit: Meron kang gustong pasalamatan?

Parcy/Aida: “Everybody, thank you for the experience. All the people who have helped her, in barista thank you. She loves to work, she likes to even learn more.”

Umaasa ang mga nasa likod ng Rotary Barista project na mas mapapalawak nila ang programa at mas marami pa silang PWD na matulungang maging mga normal na manggagawa sa lipunan.

Project Chairman Aida Sotto: “Televiewers, it is a very beautiful advocacy to be able to hire PWD’s. It is really empowering to hire PWD’s. They are ‘regular people’, they are just differently abled so we should try to give them a chance in this life. You’ll see how beautiful this world can be.”

SUMMATION

Pag asa ang laging hatid ng mga ahensya at grupo na mayroong adbokasiya…mapa gobyerno man o pribado tulad ng Rotary Barista. Malaking pagbabago sa buhay ng ating mga kababayang may ispesyal na pangangailangan ang kanilang naibibigay.

Dahil kung mabibigyan lamang ng pagkakataon ay malaki ang maiaambag ng mga PWD sa ating bansa sa kabila ng limitado nilang kakayahan.

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial