The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
March 4, 2019

ANG STRAWMAN

Obra na pet-malu! “Yung ganitong obra maestra ang ginagawa ko, yung ganito po na bottle art- hindi na pinakikinabangan, itinatapon na… binibigyan ko ng buhay na kakaiba.” Pahayag ng artist na si Rommel Cadion. Tinaguriang “strawman” dahil sa paggamit ng straw sa kanyang sining, ating kilalanin. Ako si Pareng Rey.

Ang mga Obra na gawa ni strawman ay mula sa mga patapong materyales, ating silipin. Ako naman ang inyong kasangga JR Langit. Ang episode ni STRAWMAN ay napanood natin noong Biyernes sa aming Programang pang telebisyon, “KASANGGA MO ANG LANGIT” na inyong palagiang sinusubaybayan tuwing Biyernes ng gabi ng alas diyes y medya (10:30pm) sa PTV4.

FANTASTIC TRASH

Kalimitang sa basurahan lamang ang diretso ng mga staw na ginagamit natin sa ating mga inumin. Pero si Rommel Cadion, may nakitang potensyal sa mga patapong straw. Kaya naman kapag wala syang ginagawa, abala sya sa pamumulot ng straw.

Rommel: Mga straw na basura na nagbabara sa estero, sa mga kanal, sabi ko straw nalang kaya ang gamitin ko, so nag isip ako ng ideya. Nilinis ko yung straw ginugupit gupit ko hanggang sa gumawa ako ng imahe, nang makita kong maganda pala ayun na tinuloy tuloy ko na siya-

Marami na ring naging obra si Rommel, kabilang na rito ang sa kanyang idolong si Senador Manny Pacquiao na pinamagatan nyang “Dakila.”

JR Langit: Ibahagi mo sa amin yon ginawa mong obra tungkol kay Sen. Manny Pacquiao.

Rommel: yung straw art ko na kay senator manny pacquiao, tinawag kong Dakila… yon ang pangalan ng obra ko, bale dine vide ko po siya sa apat na bahagi, dinala pa po namin siya ng broadway, broadway sa programa ng eat bulaga para matulungan ako, tapos hanggang sa dinisplay namin sa edsa, sa may timog dun pinagkaguluhan ng tao at itinulak nila ako para mai feature nga daw yung aking gawa.

BARKER

Rommel: opo mga last year lang po yung natigil mga july simula nung nadisgrasya po yung kapatid ko, bale nag start po akong mag barker pagka ano ko ng 2011 ganun hanggang 2017 nung nadisgrasya yung kapatid ko dun ako kumukuha ng pang araw araw na kabuhayan namin pang kaen pantustos sa kapatid kong nag aaral.

JR Langit: Kumukuha ka ng pantustos sa pagiging barker mo, tapos papaano naman yung pag gawa mo ng mga arts?

Rommel: Bale gumagawa po ako ng mga art work ko kapag nasa bahay po ako, kase tanghali ako nag tatawag sa kalsada hangga alas 7 ng gabi. Sa bahay sa umaga wala naman akong ginagawa. Yung mga naipon kong mga basura iniisipan ko na siya ng mga obra para sa susunod na mga araw meron akong nakahanda na pwede kong idispose para pagkaperahan po para makatulong sa pamilya ko, tsaka sa kapatid ko po na nag aaral.

ARTWORKS

JR Langit: Punta tayo sa straw art mo, itong ganyan kalaking straw art, gaano mo katagal tinatapos?

Rommel: Bali itong 2ft 2 ft po mga hanggang 5 to 7 days ko po siya tinatrabaho. Mano mano ko po siyang ginugupit yung straw tapos idinidikit po ng glue hanggang sa mabuo sa umpisa nag ssketch po muna ako, sketch ng portrait… pag na sketch ko na siya nag cucut na ako ng straw tapos pag na kumpleto ko na yung kulang igraph ko na siya saka ko na siya gagawan ng pag didikit ng straw.

JR Langit: Sarili mo lang yang konsepto?

Rommel: Sarili ko lang po, kase para saken po gusto ko mas unique naman yung pagiging artist ko ayaw ko naman po manggaya ng iba.

Maliban sa straw, marami pang ibang patapon nang materyales ang nagagawa pang obra ni Rommel. At ang kanyang unang obra ay naibenta nya ng walang kahirap hirap. Nag simula siyang guamawa sa pamamagitan ng bote sa likod bahay. Nilinis niya, hinugasan ng tubig nagkataon na nakakita siya nang popsikels stick at mga retaso ng kawayan na manipis, bagay para maipagkasya niya sa loob ng bote. Simple pero kakaiba, gumawa muna siya nang isa, mabilis na binili sa kanya ng P140. na kanyang kinatuwa.

TEDIOUS

“Pinapasok ko po siya paisa isa, gumagawa ako ng base tapos iniisa isa ko yung pinaka sahig niya hanggang sa mabuo na siya. Dinodrawing ko yong guhit tapos gumagawa ako ng hulma.”

Sadyang natural ang talento ni Rommel Cadion pagdating sa sining. Elementarya pa lamang sya ay hilig na nya ang Arts. Sa katunayan, nuong highschool ay naging artist of the year sya sa kanilang paaralan.

Hindi rin nakapag aral ng sining si Rommel kayat sariling sikap ang lahat ng nalalaman nya ngayon sa paggawa ng Obra.

Rommel: Mahilig na po ako noon pa… lalo na sa mga krayola, collage collage ganun may mga drawing drawing na comics lang hanggang sa nag improved na natuto nako at nag sanga-sanga na po yung kaalaman ko po. Sa totoo sir wala naman akong napag tapusan kumbaga sa sariling experience ko lang po, sa bawat pagkakamali ko natutunan ko kung paano itama. Hanggang sa naimproved ko na yung sarili ko sa iba’t ibang larangan, pag drawing, pag ukit.

VARIOUS THEMES

Isa sa mga hilig na maipakita ni Rommel sa kanyang mga obra ang ganda ng Pilipinas, ang buhay probinsya at ang hilig nya sa extreme sports.

Rommel: Kasi hilig ko po kasi yung mga extreme game tsaka marami po akong friend na mahilig sa extreme game mga mbx, tsaka mga skate board, so gumuwa ako ng image, yung replica niya diorama sa loob na extreme game. Yung mga nag sskate board sa loob ng bote, influence ng mga kaibigan ko. Kasi talagang mahihilig, nauudyokan din nila ako na gumawa ng ganito.

Ipinakita rin sa amin ni Rommel kung gaano sya ka detalyeado sa paggawa ng kanyang mga obra.

JR Langit: Yung mga materials na gamit mo rito san mo nakukuha?

Rommel: Bale scraft lang po siya gamit ko dito yung mga poam mga tsinelas yung mga retaso ng tsinelas retaso ng mga popsikels stick, toothpick mga upos ng sigarilyo, balat ng chichirya at kung ano ano lang sir basta kung ano lang ang pwede kong ipasok sa loob na magagawan ko lang ng magandang konsepto na image para maka buo ng isang obra. Yun lang siya mga retaso ng kahoy ganun sa basura siya lahat at pinagaganda ko nalang para lang makagawa ng isang ano, yung tao gawa sa toothpick tas binalot ko ng tela ng payong tapos yung buhok niya gawa sa yung upos ng sigarilyo posporo, kung ano ano lang yung mga balat ng chichirya tapos yung mga retaso ng mga magazine na hindi na ginagamit yun lang po.

CREATIVE EVOLUTION

JR Langit: Detelyado talaga no pate yung hawak hawak nung magazine ba yun?

Rommel: Opo hindi ko naman sa hinahalintulad yung mga gumagawa ng iba na nakikita naten sa Munti pero may halong pagkakahawig siya, ang pagkakaiba lang nung ginawa ko talagang yung sa aken e talagang idinedetalye ko ng maige, gusto ko talagang pulido siya makikita siya ng maliwanag ganun na ganun.

JR Langit: May aso pang kasama mukang german shepherd ito.

Rommel: Nanunungkit pa nga po itong isa. May isa pa pong nanungkit ng bungang kahoy iba iba lang siya, ito sport car.

JR Langit: Yan yan sport car nga, Ok ha!

Rommel: Gawa rin sa scraft ito, ito gawa po sa retaso ng card borad mga tsinelas yung mga popsikels stick din, yung mga folder na pinag gamitan na balat ng chichirya kina cut ko siya pinag iisipan ko ng magandang konsepto bago siya ipasok sa bote so dinodrawing ko muna siya tas yun ginagawa ko na ng hulma tas iniisa isa ko siyang kinakalas tas ipapasok ko uli yun po siya dito ko po pinapasok isa isa gamit yung alambre pag didikit dikit ko po dito sa loob isisirko sirko ko yung bote para makuha ko yung eksaktong pagdidikitan.

THE MESSAGE

“Magandang Araw po. Una po sa lahat ako po ay Nagpapa Salamat ng Marami lalong lalo na po sa inyo SirRey Langit at Jr Langit at sa lahat ng bumubuo ng inyong Programa na Biyaheng langit/Kasangga mo ang langit.sa inyong pagtatampok sa aking simpleng kwentong buhay na mag bibigay inspirasyon sa ating mga manunuod at lahat ng tumatangkilik,sa pagbibigay nyo po ng Oras at importansya na maipalabas ang aking angking galing at talento salamat po buo ninyong pagsuporta at pagpapahalaga sa isang gaya ko..at sa bibigay ng ng mga makabuluhang Aral,Mensahe,Inspirayon,Pagpapahalaga at mga Marangal na bagay na kapupulutan ng leksyon sa ating buhay sa pamamagitan ng inyong walang sawang programa kayo po ang Higit na Mas bida sa aking puso,nawa’y patuloy pa ang inyong programa sa paghahatid ng Mabuting mensahe at kabuluhan para lahat ng Tao .Maraming maraming Salamat po muli sa Inyo po Sir.Rey Langit at Jr Langit sa lahat ng bumubuo ng Programa po ninyo na Biyaheng langit/Kasangga mo ang langit.Mabuhay po ang inyong Programa at Gabayan pa po kayo ng May kapal ..Masaya po ako sa pagtatampok at pagtangkilik sa aking simpleng kabuluhan at kaalaman More Power pa po at God bless kayong lahat ng Panginoon!” – Rommel Cadion

SUMMATION

Ito ang literal na Sining na nag mula sa basura. Sinagip upang pakinabangan, bigyan ng pagpapahalaga at panibagong pagkilala. Straw ang napiling materyales ni Rommel dahil gusto nyang gumawa ng mga kakaiba at walang katulad. Sabi nga niya- “Sa bawat pagkakamali ko, natutunan ko kung paano ito itama.” Pangarap ni Rommel sa hinaharap na na makapag ambag ng karangalan sa ating bansa sa pamamagitan ng kanyang sining. Sa pamamagitan ng ating pagtangkilik at suporta ay mabilis na makakamit ni Rommel ang kanyang pangarap. Isa na namang dagdag na inspirasyon si Rommel sa marami nating kababayan na may talento. Talento at karunungang hindi pa natutuklasan.

Facebook Comments
Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial