The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
June 4, 2014

Ang Kalbaryo ng Mga Gurong Pinoy

Patungkol sa problema ng mga teachers, magkahiwalay naming nakapanayam sina DepEd Associate Secretary Jesus Mateo at Benjo Basas, spokesman ng Teachers Dignity Coalition, sa aming back-to-back na programang “Kasangga Mo Ang Langit” at “IZ Balita Nationwide” na maririnig sa DWIZ 882khz at sa mga ally stations ng RPN9 mula 6 hanggang 8 ng umaga.

Government-Fails-to-Prioritize-Teachers

READINESS

REY: Gaano tayo kahanda sa naging opening ng classes sa public schools nitong nakalipas na Lunes?

MR. BASAS: Well, ang initial assessment namin ay hindi namin masabing handang-handa. But of course we do recognize all the efforts of the Department of Education and other government agencies. Hindi lang naman ang DepEd ang involved sa balik eskuwela. Mayroon tayong MMDA, PNP, DSWD, and other other agencies pa. Pero nakikita po natin ang mga kakulangan in terms of resources na kinakailangan para sa maayos na edukasyon ng ating mga bata.

VERY IMPORTANT FACTOR

REY: Sa education, teachers ba talaga ang pinaka-importanteng factor?

MR. BASAS: Teachers ang most important factor dito sa education kaya nga dapat binibigyan sila ng priority in terms of economic benefits. So dapat yung profesional assistance, yung treatment, yung welfare ay lahat andiyan upang makapagturo sila ng maayos. Itong mga ito ang pinaka-importanteng sangkap ng edukasyon na dapat mabigyan natin ng pansin.

SALARY STANDARDIZATION

REY: ASec Mateo, gaano po ka-seryoso ang ating pamahalaan sa pagtugon sa kahilingan ng ating mga guro?

ASEC. MATEO: Unang-una, nauunawaan naman natin na gusto nilang magkaroon ng salary increase. Pero alam mo, Rey, bagamat susuportahan natin yan ay kailangan natin ng batas kasi sa bawat salary increase ng government employee ay dapat mayroong kasamang batas. Kagaya noong 2008, nagkaroon tayo ng batas na tinatawag na Salary Standardization Law 3 (SSL-3) na pinatupad ng 4 years at natapos ng 2012.

BELIEVE IT OR NOT

REY:Parang hindi kapani-paniwala na mas malaki ang sweldo ng mga teachers sa public schools kaysa sa pribado.

ASEC. MATEO: Ang pagtransfer ng mga teachers from private school to public school, madami-dami rin ito. In fact, may mga ilan tayong natatanggap na mga sulat galing sa administrator ng pribadong eskwelahan na kung puwede bang huwag nang tanggapin yung mga teachers nila dahil nauubusan na raw sila. Alam mo, ang dahilan nito ay ang salary nila. Ang suweldo ng pampublikong paaralan ay mas mataas talaga.

COMPARISON

REY: Paano nangyaring mas mataas ang sweldo ng guro sa public school gayong sa tuwing mag-i-increase ng tuition fee ang mga pribadong eskuwelahan ang kanilang dahilan ay hindi lang sa school facilities ginagastos o improvement, kung hindi sa salaries ng mga teachers?

ASEC. MATEO: Bagamat tumaas yung salary ng mga teachers natin ay mayroon pa rin kailangan tingnan tungkol sa benepisyo katulad ng mga tinatawag nating allowances. Ito yung mga personal allowances o yung dating COLA. Mayroon pa silang chalk allowance of P1,000 na dating P700. Maliban pa ito sa Philhealth, GSIS, at PAG-IBIG.

COMMITMENT, PASSION AND SACRIFICE

REY:  Alam po natin kung gaano kalaki yung sakripisyo ng ating mga guro.

ASEC. MATEO: Tamang tama po iyon.

FRINGE BENEFITS AND PERKS

Sa aming Biyaheng Langit TV show (Linggo, 10:30PM sa PTV4)  ni Jr Langit ay na-feature namin ang ilang Filipino English teachers na naka-base sa Macau. Bagamat nagkaroon sila ng problema noon dahil pinuprotesta sila ng mga local na Chinese education graduates, maliwanag naman ang naging posisyon ng private school sa Macau na hindi kaya ng mga locals ang pagtuturo ng English tulad ng pagtuturo ng mga Filipino teachers.

Aminado rin ang ating Filipino English teachers na malaki ang pagkakaiba ng kita nila sa Macau kung ihahambing sa Pilipinas lalo na sa mga fringe benefits at perks. Isang halimbawa nito ay ang dormitory na kanilang libring tinutuluyan at plane tickets pabalik ng Pilipinas tuwing bakasyon.

SUFFERINGS

REY: Mr. Benjo, matagal na ba ang inyong kahilingang ito?

MR. BASAS: Sa tingin namin malayo na iyong aming pagtitiis. Ibig sabihin, dalawang taon ang lumipas na wala kaming salary increase at iyon ang aming problema. Sana naman ay huwag maging bingi ang ating gobyerno at kung anu-ano ang pinag-aatupag at binibigyan ng pondo, samantalang yung mga bagay na pinaka kinakailangan ay hindi maaksiyunan.

PITIFUL

Naniniwala ang ating mga guro na kailangang kailangan na ang adjustment na ito sa kanilang suweldo. Ito ay bilang tugon sa katotohanang nagtaasan na ang presyo lahat ng bagay tulad ng mga pangunahing bilihin, at hindi na kayang maabot ng kanilang katiting na sweldo.

MR. BASAS: Kami naman ay ready at hindi hardline. Kaya naman naming intindihin ang ating pamahalaan at ang prosesong legal. Ang ayaw lang naman namin ay matali tayo sa ganito. Ang sinasabi lang namin ay din naman iyong mga non-monetary incentives, mga tax deductions kung kaya, mga household at health benefits at yung mga transportation allowance. Kasi sa ngayon, lahat ng iyan ay wala at iyan ang aming problema.

TEACHERS DIGNITY COALITION

Ang hinihiling nila ay P10,000 increase across the board. Sa ngayon ay may 600,000 na mga guro sa public schools. Ang pangunang sweldo o entry level salary ng mga teachers ay P18,549. Ngunit ayon sa Magna Carta for Public School Teachers, ito ay mababa pa rin.

Ang grupo ng Teachers Dignity Coalition ay handa raw magserbisyo, handang magturo, at makipag-usap sa pamahalaan. Handa ring silang gumawa ng ibang action kung kinakailangan. Ngunit nilinaw nila na hindi raw sa kanila nagmula ang katagang boycott.

QUOTABLE QUOTE

“The mediocre teacher tells. The good teacher explains. The superior teacher demonstrates. The great teacher inspires.”―William Arthur Ward

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial