The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
December 31, 2018

2018 YEAR-END REPORT

Naririto ang ilan lamang sa mga kaganapan at makasaysayan sa taong 2018 na naging makabuluhan na bahagi ng inyong Kasangga na aming ibinahagi at inyong nasaksihan sa pamamagitan ng aming Programang pang telebisyon na “Kasangga Mo Ang Langit” na napapanood tuwina, tuwing Biyernes sa PTV4 ng alas diyes (10pm) ng gabi.

DARING AND ADVENTURESOME

April 2012 nang bigyan tayo ng UNCLOS o United Nations Convention on the laws of the seas ng sovereign rights sa Benham rise at bininyagan itong Philippine rise.

Bagamat noong una ay walang makapagsabi kung ano ang nag ihintay sa amin sa misyong ito. Ang ilan ay may agam-agam na maaring pigilin kami at posibling mang himasok ang kalapit na bansa sa aming gagawin.

Hindi namin alintana ang mga kuro-kuro ng ilan, pinag pilitan namin ni Kasangga JR Langit na saksihan ang makasaysyang marking ng Philippine rise sakay ng BRP Davao Del Sur sa pangunguna ng ating pangulong si Rodrigo Roa Duterte.

Naging matagumpay ang kinalabasan ng Mission at ngayon ay sinimulan na ang seryosong pananaliksik sa Philippine rise ng may limampung mga scientist sa kanilang research.

Defense Sec. Delfin Lorenzana: “That is where our wealth will come in the future yung ating lupa ay limitado naman di naman tayo makapagdagdag bagkus nga nawawalan pa nga tayo ng lupa dahil sa erosion, pero sa dagat nandyan palagi yan at we hope that this sea will provide us with sufficient food for everybody in the future.”

Pinaniniwalaang ang Philippine rise ay mayaman sa marine resources natural gas oil at mineral.

MISSION ACCOMPLISHED

Cesspool, ganito inilarawan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Boracay island sa kanyang talumpati sa business forum sa Davao city, Nagbanta ang Pangulo na hindi sya magdadalawang isip na ipasara ang isla kung hindi ito malilinis at magkaruon ng maayos na sewerage system. Nakilala ang Boracay sa mala pulpos na white sand nito, kaya naman lagi itong kasama sa mga top desinations na isla sa buong mundo.

Bagamat ang problema sa basura ng Boracay ay matagal na, na hindi masyadong pinapansin. Isa itong trahedya na nakaumang nuon pa man. Sa katunayan, taong 2005 ang “Kasangga mo ang Langit” sa telebisyon ay nagkaruon na ng dokumentaryo hinggil sa basura sa Boracay sa pamamagitan ng ating Kasanggang si Reyster langit. At bago pa naabot ng Boracay ang rurok ng kasikatan, nagkaproblema na rin ito sa E-coli bacteria na nakukuha sa dumi ng tao.

Nagsimula ang paghahakot ng basura sa Boracay sa pamamagitan lamang ng dalawang kalabaw na mayroong hila hilang kariton. Ang problema, gumawa sila ng tambakan ng basura sa isang barangay, bagamat nagpapatupad ng paghihiwalay ng nabubulok at hindi nabubulok na basura ay hindi rin umano ito nasusunod, hanggang sa kumakatas na rin ang basura patungo sa karagatan.

Kinailangan pa nang political will ng Pangulo upang maisakatuparan ang pagbabago. At ito ang isa sa mga tinugay gayan ng “Kasangga Mo Ang Langit” na mission accomplished.

DEPRESSION

Isa sa pinaka kilalang uri ng problema sa pag iisip ang depression. Kalimitan ay iniuugnay ang depression sa simpleng kalungkutan lamang. Pero marami ang hindi nakaka alam na mas malalim ang pinaghuhugutan ng isang taong depressed. Ito ang isa sa mga tinutukan ng “Kasangga Mo Ang Langit” kung papaano ito malalabanan, isa sa patuloy na commitment namin sa ngalan ng Public Service.

Maituturing na tahimik na sakit ang depression. Dito sa atin sa Pilipinas tinatayang nasa mahigit tatlong milyong pinoy ang nakikipaglaban sa depression at tatlong daang milyon naman sa buong mundo.

Itinuturing ng World Health Organization ang depression na isang sakit sa pag iisip o mental disorder lalo pat bigla na lamang itong nararamdaman ng isang tao. At sa mga ganitong sitwasyon, mahalaga ang papel ng pamilya at mga kaibigan upang hindi humantong sa kamatayan ang sinasabi nilang simpleng kalungkutan lamang.

Pinaka epektibo pa ring gamot sa mga taong depressed ang may makakausap. Sa aming pananaliksik nasumpungan namin ni Kasangga JR Langit ang “Hope Campaign” ng Globe Telecom na ang layunin ay tulungan ang mga taong may depression.

Dr. Gia B. Sison, Chief Medical Officer, Global Telehealth Inc. “Yung umupo nga lang sa labas nang office ng isang doctor ay nahihiya na sila, so gusto natin ilabas yung message na hindi kawalan sa isang indibidwal ang mag seek ng support, kung kinakailangan.”

JR Langit: Sa inyo pong pananaw bakit po kaya ang isang taong meron pinagdadaanan ng ganitong klaseng sakit, yung pagkitil sa kanilang buhay ay nakikita nilang sulusyon?

Dr. Gia B. Sison: Kasi parang hirap na sila- number 1 yung stigma, yung mga labels na sinasabi, that doesn’t help them yung mga labels na baliw, sira ulo hindi yun nakakatulong and ofcourse we don’t want that to happen and they feel na too much pressure naren kaya nakakapag isip sila ng ganun, and lack of support.

EMERGING TECHNOLOGY

Opisyal na ipinakilala ang MIT Messenger sa ating mga Pilipino. Ang MIT Messenger ang kauna nahang messenger na dito mismo magsisimula sa Pilipinas. Bagamat ito ay Korean Technology aminado sila na ang idea at concept ay nag simula noong una pa nating inilunsad ang Hall Of Fame na programang “To Saudi with Love” sa Radyo. Kaya nga naging kabahagi ang inyong Kasangga sa makasaysayan at pormal na paglulunsad ng MIT Messsenger sa ating Bansa.

Bagamat ako’y maituturing na old school, ngunit hindi naging sarado ang pagtanggap ko sa makabagong technoloya. Katunayan bukang bibig ko pa ang emerging technologies at isa sa kaunaunahang Broadcast Media practitioners na nag adopt sa Broadcast ang pagamit ng laptop at iPod, dahil naniniwala ako na malaking kapakinabangan ang mga bagong tuklas na technologies para sa mabilis na pag sulong at kaunlaran ng Bansa. Ito ang future ng ating mga kabataan at makatulong ng husto sa ating pangarap na makita one of these days ang uplifting of the standards ng ating broadcast journalism.

Ito rin ang dahilan ng Pambansang Kamao na si Senator Manny Pacquiao kaya siya ang nag endorse ng technologing ito sa mga Filipino ay dahil naniniwala siya sa mga bagong features ng MIT Messenger na kakayanin nitong maki pagsabayan sa mga international messenger na gamit ng ibang Bansa.

Target ng MIT Messenger na maging global messenger na handang makipag kumpetensya sa Viber at Facebook messenger.

JR Langit: Ms Mocha Uson ano po ang masasabi niyo sa MIT messenger na inilaunched po natin sa Pilipinas?

Mocha: Masaya po ako at andito rin si LABOR Sec. Silvestre Bello para suportahan ito dahil malaki ang pakinabang ng mga ofws natin dahil ang social media ang technology na ito ang ginagamit ng karamihan sa ating mga ofws sa pakikipag usap sa kanilang mga pamilya at sa pagpapadala na rin ng remittances, at sabe bukod sa libre na, ang video call messenger a libre din yung pagpapadala ng mga remittances ng ofws, wala ng fee kaya magandang balita ito.

Challenge namin sa inyo ay ang pagda-download ng MIT Messenger app (FREE) at tawagan o text ang # 0917 887 6988 at supresang pang-2019 ang sasa-inyo!

HISTORICAL DECLARATION OF PEACE

Naging Piping Saksi ang inyong Kasangga sa simbolikong deklarasyon ng kapayapaan sa pagitan ng South at North Korea kung saan tayo naanyayahang maging kinatawan ng Pilipinas.

Once upon a time umalingawngaw sa daigdig ang naging pahayag ng dating Pangulo ng America na si Bill Clinton, “the scariest place on earth” ay ang pagitan ng North and South korea.

Sinaksihan ng Kasangga team ( Pareng Rey at JR Langit) ang pagtanggal sa mga matataas na uri ng armas at sandata na nakaumang sa magkabilang panig sa nakalipas na ilang dekada sa boundary na tinaguriang Demilitarized Zone na mula ngayon tatawagin ng weapon free buffer zone.

Sa anim na mga bansa sa Asya, tayo ang napili na umakyat sa stage at mamagitan sa Sokor at NoKor representatives habang binabasa ang historical at symbolical announcement of declaration of peace. Isang bagay na maituturing na classic experience at historical para sa isang tulad natin mula sa pribadong Sector na maanyayahan sa isang Asia PACIFIC event.

“Hi, my name is Aaron Taylor, Representative from Sri Lanka. First of all a I would like to thank Mr. Rey Langit for giving me this opportunity to speak about this unique prosperity and freedom it was an amazing experience coming to the north and south border we have seen the bridges 60 years ago and then we see the end of the South Korean fight and we are really grateful for this wonderful first time classic experience, on behalf of all Sri Lanka thank you very much and we hope we will meet again one day thank you.”

Maituturing na pinaka malaking legacy ng dalawang leaders, ang Presidente ng South Korea na si Moon Jae In at nitong si Kim Jung Un ng North Korea.

During the 2018 International Convention for “Peace And Prosperity” in the Asia Pacific (Nov 16, 2018) Philippine delegate Rey Langit together with the North Korean official was called on stage by Chairman An busu of South Korea.

EXTREME ADVENTURE

Nahaluan din ng ibang uri ng challenge para sa inyong mga Kasangga ang aming ginawang coverage sa Paoay. Kasama si Mandirigma, PCSO GM Alexander Balutan sinubukan namin ang makapigil hiningang Paoay Sand Dune challenge sakay ng naglalakihang 4×4.

Hindi mo kailangang magtungo ng gitnang silangan para makakita ng disyerto. Hindi mo rin kailangang magtungo sa Estados Unidos para maranasan ang extreme adventure. At hindi mo na rin hahangarin ang pag tungo sa Hawaii, dahil sa Paoay pa lang ay nariyan na ang challenge sa inyo.

Sa pakikipanayam ni Kasangga JR Langit kay Mayor Jessie Galano ng Paoay, Ilocos Norte:

JR Langit: Mayor ano po ba tong makikita nating kakaiba na gagawin nila ngayon?

Mayor: Actually yung ginagawa nila na mag sa sand board sila ito yung sand boarding na sinasabi natin ito yung other aspect of a sand bashing dito sa sand junes sa paoay. Kung ang lagi ninyong nakikita ay ice skating ito naman ay sand boarding kaya may board ngayon at hindi sa yelo o dagat kung hindi sa buhangin. Para itong surfing sa malaking alon ng buhangin. Nakakalula man ang taas pero safe naman. Sand boarding sa Paoay ilocos Norte, ating subukan.

Makakaasa kayo na sa darating na bagong taon 2019 panibagong challenges para sa inyo ang kakaharapin ng inyong mga Kasangga Pareng Rey at JR Langit upang maghatid ng kakaibang aral, leksyon at kaalaman sa ating buhay. Hanggang sa panibagong kabanata ng ating pakikipagsapalaran, Happy New Year!

Laging tandaan sa anomang laban, Kasangga Mo Ang Langit!!!

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial