The Philippines' First All-Opinion Website

Commentary
August 13, 2013

Dark Blue

TRUE STORY
Kamakailan lamang, 15 na pulisya ng Philippine National Police (PNP) na may kasamang Opisyal at Regional Director ng CALABARZON ang na-relieve sa kanilang mga puwesto. Ito’y dahil sa kahina-hinalang kamatayan ng dalawang convicted serial bank robbers mula sa San Pedro, Laguna.

DWIZ INTERVIEW
Sa aking pakikipanayam kay PNP Chief Alan Purisima, sinabi niyang ang mga pulis na ito ay nasa floating status ngayon habang iniimbistigahan.

Kasama sa na-relieve ay sina Chief Superintendent Benito Estipona, ang Regional Director ng CALABARZON; at si Superintendent Danilo Mendoza, Puno ng PNP Regional Special Operations group.

FICTION
Kung ang pangyayaring ito ay ihahambing sa pelikula, sasabihing hango ito sa isang fiction na istorya. Parang isang Hollywood movie na may ilang taon na ang nakalipas mula nang ipinalabas sa mga sinehan.

Isang fiction o kathang-isip na may pagkakahawig sa sine at puwedeng sabihing ang twist ng buhay ay parang pelikula.

FLASHBACK
Biglang nanariwa sa aking alaala ang Dark Blue, isang sine na ginanapan ni Kurt Russell na aking napanood may sampung taon na ang nakalilipas. Hindi man eksakto ang istorya pero ang pagkakahawig ay ‘di malayo.

Noong unang makita ko ito, nasabi ko sa aking sarili:
Wow, the best fiction story ever!

DEFIANCE
Sinasabing sina Estipona at Mendoza ang nag-order na dalhin sa police headquarters sa Cavite ang dalawang notoryus na lider ng Ozamis criminal gang.

Ito’y pagsaway sa naging direktiba ni Chief Purisima na idiretso sila sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

THE AMBUSH
Nang sila’y naglalakbay patungong Cavite headquarters, bigla silang tinangbangan. Si Ricky Cadavero (ang lider ng gang at kilala sa alyas na Kambal) at ang alalay niyang si Wilfredo Panogalinga (alyas Kulot) ay napatay sa nasabing ambush.

Staged ambush nga ba?

THE MOVIEDark_blue
Sa pelikula ni Kurt Russell, isa siyang Los Angeles Police Department detective. Lingid sa kanyang kaalaman, ang mataas na opisyal ng pulisya na malapit sa kanya ay may alaga palang dalawang notoryus na holdapers.

Parang true story.

OBEDIENCE
Nang makapatay ang mga holdaper sa kanilang pang ho-hold up, bago pa man paghanapin ng ibang police, ang padrinong police official ang nag-utos na maghanap na lamang ng ibang notoryus na kriminal at ito ang palitawing may kagagawan at patayin.

Na-pressure si Russell na gawin ito at sumunod siya sa nakatataas bilang obedient police officer.

TWIST OF FAITH
Sa kasunod na senaryo, siya na ang na-setup.

Ibinigay sa kanya ng police officer ang adres ng hide-out ng mga wanted upang hulihin. Ngunit lingad sa kanyang kaalaman ay siya pala’y inaabangan na ng dalawang notoryus na hold-upper upang tambangan sa utos na rin ng police officer na siyang padrino nila.

SUMMING-UP
Sa bandang huli, ang media ang nakatulong kay Russell upang ibulgar ang kabaluktutan at korapsyon ng nasabing opoisyal.

Sa pelikula at totoong buhay, kayang isakripisyo ng isang evil-minded official ang buhay ng kapwa, maprotektahan lamang ang sariling interes!

Share and Follow Us:

Photo/s used in this post is/are covered under the Fair Use Exemption of the IP Code.

By posting a comment in the section provided, you hereby agree to:
  • You acknowledge that Manila Speak is only a platform for your views and opinions and those views and opinions of yours are not necessarily that of Manila Speak.
  • The comments section is a public forum and you will be considerate and respectful at all times.
  • You shall not post any defamatory utterances, profanity or vulgar language, anything that is obscene or abusive. You shall not post any false statements, harassing words or threaten a person’s safety or property.
  • You shall not, without consent, post any personal information such as but not limited to phone numbers and email or mailing addresses.
  • You shall not violate other’s intellectual property or proprietary rights.
  • Manila Speak may or may not review your post but it reserves the right to remove that same if such post may potentially violate the guidelines.
  • All Rights Reserved. No portion of this site may be republished without permission of the publisher.

 


 

Speak Your Mind


Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial